victim assistance
victim assistance coordinator letter for philipinos
Hulyo, 30, 2005
Mahal kong mga kaibigan,
Ina-anyayahan ko kayong makipag-ugnay sa "Victim's Assistance Website" ng diyoses ng Arlington. Noong Hunyo 2002, nagpulong ang mga obispo ng Simbahang Catolico at nilag-daan ang "Batas Para sa Pagtatanggol Sa Mga Bata at Mga Kabataan." Sa pamamagitan ng documentong ito, nangako silang Harapin at tugonan ang mga kaso ng paggagahasa o pang-a-abusong sexsuwal ng mga pari, deacono, laico at mga iba pang kawani at kagawad ng simbahan. Nagkaisa ang mga obispo na tulongan ang mga nabiktima at ang kanilang mga pamiliya sa pamamagitan ng Pagpapayo (Counseling); tulong na spiritual (spiritual assistance); suporta sa mga grupo at iba pang servisyong pang kalahatan na pagkakasunduan ng mga nabiktima at ang diyoses para malantad at harapin ang tunay na katotohanan tungkol sa mga iniha-harap na mga kaso ng abusong sexsuwal.
Kung tunghayan ninyo ang "website" na ito, dahil kayo ay inabuso at pinagsamantalahan ng isang pari, kawani o kagawad ng simbahan, ako ay lubhang nakikiramay sa inyo. Bilang taga-pag-ugnay ninyo (Victim's Assistant Coordinator), taos-puso akong akong nakikiramay sa inyo at ipina-pangako kong gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang matuntunan ninyo ang lunas at hilom nitong dumating na sakuna at dalamhati sa inyong buhay. Kahit na ang pagkasamantala ninyo ay nangyari dito sa ating diyoses o sa ibang diyoses, asahan ninyo ang aking tulong. Alalahanin din natin na tayong lahat ay may obligasyon sa batas na isuplong sa may kapangyarihan ang lahat na nakikita nating pang-aabuso at pagsasamantala sa mga batang nasa menor de edad.
Pina-ala-lahanan ko rin kayo na ang ating Obispo Paul S. Loverde ay handang makipag-ugnay at maki-pagkita sa inyo at ang inyong pamilya upang maipadama sa inyo ang kanyang pag-a-a-lala at paki-ki-isa para sa inyong kapakanan; magdasal at magbigay nga suportang spirituwal sa inyo. Gayundin si Fr. Mark Mealey, OSFS, Moderator of Curia ay handa ring makipagkita at tumulong sa inyo upang makamit ninyo and tunay na paghilom ng inyong sugat.
Upang maabot namin kayo, hihingi ko ang inyong panukala at kaisipan(suggestions) upang makabuo ako ng angkop na programa ng pagpapayo (counseling services) na higit na nakabubuti. Gusto kong makabuo ng plano para sa pagtulong sa mga ginahasa at pinagsamantalahan dito sa ating diyoses upang matugonan ang kanilang panganga-ilangan at ganun din sa kanilang mga pamilya. Mangyaring tawagan ninyo ako o sulatan kung mayroon kayong panukala. Ang aking numero ng telepono ay 703-841-2530 (lihim at compedencial). Kung sa sulat naman, ipadala ninyo ang mga ito sa 200 North Glebe Road, Suite 506, Arlington, Virginia, 22203 o kaya sa aking E-mail: P.Mudd@arlingtondiocese.org. Nakiki-isa ako sa inyong lahat at kasama ko kayo sa lahat ng aking isip at mga panalangin.
Gumagalang,
Helen Patricia Mudd, ACSW
Victim Assitance Coordinator
Diocese of Arlington

